TomDen, handa bang rumampa in skimpy underwear?

Ibang klase ang tilian nang rumampa sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo sa press preview last week ng The Naked Truth denim and underwear show ng Bench, ayon sa ulat ng Startalk.

Nagpapakita lamang ito na hindi pa rin nawawala ang hatak ng TomDen na pinasikat ng My Husband’s Lover last year.

“It’s so nice na hanggang ngayon meron pa ring ganoon. I’m so happy, I’m so fortunate na I was part of that tandem,” ani Tom sa panayam ng Startalk pagkatapos ng press preview.

Gaganapin ang show sa SM Mall of Asia sa September 19 kasama ang naglalakihang artista sa bansa.

Sa lakas ng tilian pagkakita sa kanilang mga machong katawan, handa na ba sina Tom at Dennis na rumampa nang naka-skimpy underwear?

“Baka sa susunod,” ani Dennis, “Susubukan ko muna ‘yung underwear.”

Sa parte naman ni Tom, “Mas paghahandaan ko ‘yung muscles.”

Magkahiwalay na projects ngayon ang pinagkakaabalahan nina Tom at Dennis.

Kasalukuyang namamayagpag sa primetime ang My Destiny ni Tom at naghahanda rin siya sa Don’t Lose the Money, isang game show.

Si Dennis naman ay may medical drama series na Sa Puso ni Dok tuwing Linggo at pinaghahandaan din ang Hiram na Alaala na magsisimula this month. - RB
Share this post :

Post a Comment

Chika Minute

Alden Richard at Maine Mendoza bibida sa bigating GMA Drama!
 
Article Source : PEP.ph | GMA Network | Kakulay Entertainment Blog
Copyright © 2011. KAPUSO SCOOP - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger