Solenn Heussaff not surprised by Derek Ramsay-Christine Jolly issue: “I knew certain things, siyempre.”

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Solenn Heussaff, napadako naman ang usapan tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Derek Ramsay at sa dati nitong asawa na si Mary Christine Jolly. Sina Solenn at Derek ay nagkaroon ng relasyon noong 2003.

Tumagal ng tatlong taon ang relasyon nila, na ayon kay Solenn ay “on and off.” Nagkakilala sila through common friends sa isang bar. Seventeen lang daw si Solenn noon at hindi pa siya sumali sa showbiz. Si Derek naman daw ay nagsisimula pa lang sa showbiz.

Noong nagkahiwalay daw sila noong 2006 ay nasa Ang Panday na si Derek.

“Well for me, wala masyado [na comment].”

Na-shock ba siya noong nalaman niya ang tungkol sa isyu nina Derek at ng dati nitong asawa?

“Hindi! Hindi ako na-shock. I mean I knew certain things siyempre.

“But it’s none of my business and I won’t comment on either side.  Pero yun, sana they fix it, and you know, they just have to think na may bata involved ngayon.

“So ang pinaka-importante yung bata.

“So the rest is history,” at tumawa si Solenn

MOVIE. Samantala, sa pelikulang Tiyanak, ang papel ni Solenn ay bilang girlfriend ni Tom Rodriguez na gaganap naman na kapatid ni Judy Ann Santos.

Pinakaunang horror movie ito ni Solenn. “Actually, dream ko mag-horror movie. Gusto kong maging Sadako para walang lines,” at muli siyang natawa. Si Sadako ay ang multong character sa pelikulang The Ring (1998).

Tumatak sa mga manonood ang kanyang “signature look” na puting damit at mahabang buhok na nakatakip sa kanyang mukha. “Super-excited lalo na nung sinabi nila na ang direktor ay si Peque Gallaga.

Yung team ni Direk Peque kasi yung last time na nakatrabaho ko sa Seduction.

“At para sa akin iyon ang pinaka-favorite performance na ginawa ko,” banggit pa niya.

Sina Peque Gallaga at Lore Reyes din ang mga direktor ng Seduction na pelikula dati ni Solenn kasama si Richard Gutierrez at Sarah Lahbati noong isang taon. Si Direk Peque at Direk Lore rin ang namahala sa naunang Tiyanak movie nina Janice de Belen, Ramon Christopher at Lotlot de Leon noong 1988.
Share this post :

Post a Comment

Chika Minute

Alden Richard at Maine Mendoza bibida sa bigating GMA Drama!
 
Article Source : PEP.ph | GMA Network | Kakulay Entertainment Blog
Copyright © 2011. KAPUSO SCOOP - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger