Pagkatapos pumirma ng exclusive contract
ang bagong Kapuso hunk na si Martin del Rosario, rarampa naman siya sa
nalalapit na The Naked Truth denim and underwear show on September 19.
Kuwento ni Martin, "Medyo nape-pressure ako. Kailangan na mag-diet-diet kahit mahirap. Minsan masarap talagang kumain."
Ibinahagi rin Martin na kahit may showbiz commitments siya, tuloy- tuloy
pa rin siya sa pagpunta sa gym para lalong gumanda ang kanyang katawan
bago ang show.
Marami umano ang nagulat sa biglaang pagiging daring ng actor lalo na sa pictorial para sa nalalapit na fashion show.
Pahayag ni Martin, "Siguro ano rin siya, para sa pagbabago ng image.
Kasi from very young na totoy, siguro para maiba naman, tinry ko na
maging daring nang kaunti sa pictorial."
Sa isa niyang Twitter post, sinabi ni Martin: "Little no more. I AM READY."
By ANN CHARMAINE AQUINO
Kapuso Hunk Actor Martin del Rosario Goes Sexy in “The Naked Truth”
Labels:
Events and Promos,
Magazines,
Showbiz News
Post a Comment