Finale week na ng Niño ngayong linggo.
Bago matapos ang GMA Telebabad soap, tinanong namin ang direktor nito na si Maryo J. delos Reyes kung sino-sinong mga batikang aktor ang mami-miss niya kapag nagtapos na ang show.
Bago matapos ang GMA Telebabad soap, tinanong namin ang direktor nito na si Maryo J. delos Reyes kung sino-sinong mga batikang aktor ang mami-miss niya kapag nagtapos na ang show.
Bigatin ang stars ng Niño dahil maraming veteran actors ang
kabilang dito. Sa katunayan nga ay laking pasasalamat na agad ni Direk
Maryo noong press conference pa lamang dahil binigyan siya ng GMA ng mga
napakagaling na aktor.
Ayon sa direktor, lahat naman daw ay mami-miss niyang makatrabaho. Pero
ang talagang ikalulungkot niya ay ang pansamantalang hindi makita ang
closest cast members niya na sina Gloria Romero, Luz Valdez, Angelu de
Leon at Katrina Halili.
“Sila ang mga type kong kasama. Sila ang mga ka-jamming ko palagi.
Nagtatawanan kami, nagkakainan together,” pahayag ni Direk Maryo.
Sa mga nabanggit ni direktor, tanging si Katrina lang ang halos sunod-sunod niyang nakatrabaho. Bago pa kasi ang Niño, last year ay nagkasama na ang dalawa sa Magkano Ba Ang Pag-ibig?.
Naging direktor din ni Katrina si Direk Maryo sa marami pang teleserye ng GMA kabilang ang Magdusa Ka at Munting Heredera.
Ang kaibahan lang ng projects nila sa Niño ay kontrabida si
Katrina sa mga nauna nilang teleserye. Ito kasi ang first time ni
Katrina na gampanan ang isang mabait na character.
Bago pa mag-umpisa ang Niño, hiniling ni Katrina sa viewers na huwag siyang husgahan at bigyan siya ng chance na maipakita na kaya niya ring maging mabait onscreen.
Laking tuwa naman ni Direk Maryo nang makita niyang kayang-kaya ni
Katrina ang non-kontrabida role na si Hannah. Patunay lang daw ito na
hindi limitado ang aktres sa isang image.
“Para mai-prove sa ibang cast at ibang direktor na kaya niya ang
iba’t-ibang roles. Hindi lang basta-basta kontrabida,” anang direktor.
Dagdag pa niya, “She can do other roles. And at the same time, she can exercise her versatility.”
Naniniwala si Direk Maryo na maraming capabilities si Katrina na hindi
niya pa nadi-discover dahil sa iisang klase ng role na ginagampanan niya
noon.
“Kasi nakakapanghinayang naman kung magkaka-image siya na isang sexy
kontrabida na lang. Parang you can transform her to an actress and make
her aware that she can do all of these things. Puwede naman eh. May
capacity naman siya to explore her acting image,” pahayag ni Direk
Maryo.
Post a Comment