Robin Padilla, siniguradong maraming baong physical skills si Kylie Padilla sa 'Encantadia'

"Hindi puwedeng magkaroon ng magandang resulta kung walang training. Kaya ngayon, inaani mo," saad ni Robin Padilla patungkol sa anak na si Kylie Padilla.

Bagama't walang kaalam-alam si Robin na mapapasama si Kylie sa isang show na nangangailangan ng galing sa physical skills, bata pa lamang ay inihanda niya na raw ang anak sa mga ganitong bagay.

Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras, tinuruan na ni Robin si Kylie na humawak ng arnis noon pa man kaya't nakitaan niya na ito ng potensyal na maging action star tulad niya.


Ngayong ipapalabas na ang Encantadia sa July 18, excited nang mapanood ni Robin ang anak na gaganap bilang Sang'gre Amihan sa sikat na GMA telefantasya. Saad niya, "'Yung batang 'yan, marami pong baon 'yan. Ito pong nakikita n'yo, pigil pa 'yan."

Matinding training ang pinagdaraanan ni Kylie ngayon para gampanan ang most skilled warrior sa mga Sang'gre. Naranasan niya pa ngang magka-sugat-sugat sa training ngunit hindi niya ito iniinda.

Mayroong iniwang mensahe si Robin sa kanyang anak. "Very proud ako, anak, at siguradong mapapanood ng tao kung gaano ka kagaling. Hindi ko alam kung paano, pero magkakasama rin tayo sa isang proyekto," anang aktor.
Share this post :

Post a Comment

Chika Minute

Alden Richard at Maine Mendoza bibida sa bigating GMA Drama!
 
Article Source : PEP.ph | GMA Network | Kakulay Entertainment Blog
Copyright © 2011. KAPUSO SCOOP - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger