Camille Prats, may nakatrabaho raw sa isang project na hindi marunong makisama?

Sa mahigit dalawang dekada ni Kapuso star Camille Prats sa showbiz, iba-ibang personalidad ang kanyang nakikilala at nakikihalubilo ngunit mayroon na raw siyang nakatrabaho na hindi niya nakausap sa hinaba ng isang proyekto.

“Sometimes you’re thrown into a group of people na you have to work with. It’s up to you how you get along with each other,” paunang salita ng aktres.

Sa mundo ng showbiz, napakaimportante raw na magkasundo kayo ng iyong katrabaho para hindi magkailangan sa set o sa harap ng kamera.


Ngunit, base sa karanasan ni Mars Camille, “May nakatrabaho ako Mars sa isang buong project, ni usap hindi namin nagawa, sa eksena lang pala talaga.”

Dahil likas siyang palakaibigan, “Nag-effort ako ha pero ramdam mo talaga na ayaw [niya] makipag-usap [na parang] ‘I don’t [want to] create anything. I don’t want friendship. Ayaw ko ng ganun [na] samahan. Work lang ‘to'.”

Hindi man ibinunyag ng aktres kung sino ang kanyang nakatrabaho ay inintindi niya na lamang ito, “Ina-acknowledge ko na lang din na ganun [ang gusto niyang mangyari].”

Tinimbang ng kanyang co-host na si Suzi Abrera at sinuri ang sitwasyon, “Parang professionalism na lang [siguro that] you’re here to work. Siyempre kapag sa Filipino context, napaka-important na kasundo mo sila eh. Ang bigat na kunwari papasok ka tapos workmates [mo] lang sila. Napaka-important sa atin to become friends with the people we work with.”
Share this post :

Post a Comment

Chika Minute

Alden Richard at Maine Mendoza bibida sa bigating GMA Drama!
 
Article Source : PEP.ph | GMA Network | Kakulay Entertainment Blog
Copyright © 2011. KAPUSO SCOOP - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger