Ano ang espesyal na regalo na ibinigay ni Kris Aquino kay Valerie Concepcion noon?

Likas na mapagbigay ang Queen of All Media na si Kris Aquino at isa sa mga nabigyan niya ng espesyal na regalo ay ang kanyang malapit na kaibigang si Valerie Concepcion.

Hindi makakalimutan ng Kapuso star ang ganap noong nakita ng TV host ang kanyang suot na sapatos. Kuwento niya sa Tunay na Buhay, “Sabi niya, ‘Val, what is your shoes?’ tapos sabi ko, ‘Ay, Ate, sa tabi-tabi ko lang ‘yan binili.’ [Sabi niya], ‘I don’t like it. I’ll just give you one.’”


Napatanong ang host na si Rhea Santos kung itinuloy ba ng highest paid celebrity in the Philippines ang kanyang alok. Masayang binigkas ng aktres, “Yes, binigyan niya ako ng 12 pairs of shoes!”




Habang nagbabalik-tanaw si Val, kuhang-kuha niya ang boses at mannerism ng Box Office Queen. Tingnan ang video sa baba para mapanood ang panggagaya ng dating Because of You star kay Kris.

Share this post :

Post a Comment

Chika Minute

Alden Richard at Maine Mendoza bibida sa bigating GMA Drama!
 
Article Source : PEP.ph | GMA Network | Kakulay Entertainment Blog
Copyright © 2011. KAPUSO SCOOP - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger