Lahat ay kayang magsakripisyo para sa pamilya. Minsan, ang super-taas mong pangarap. O ‘di kaya naman, ang super happy mong love life. E, ‘yung super important na parte ng katawan mo... kaya mo?? Alin? Ilan?
Ngayong Sabado sa Magpakailanman, samahan nating tumawa at umiyak si Mr. Roderick Paulate sa kakaibang kuwento ng buhay ni Geni – isang bakla na tila tanggap na, na nabubuhay s’ya para saluhin ang drama at problema ng buong pamilya.
Naiwan si Geni sa kanyang strikto at nambubugbog na amang si Vicente kasama ang mga kapatid matapos silang iwan ng inang si Amy dahil sa pambubugbog ng babaerong si Vicente. Natutong tumayo sa sariling mga paa si Geni at itinaguyod ang mga kapatid. Nagkaroon na ng ibang kinakasama si Amy pero si Geni pa rin ang takbuhan nito kapag nangangailangan. Sinalo na rin ni Geni ang pag-aalaga sa pamangkin na si Alexa matapos mamatay ang ina nitong si Cheche. Na-stroke pa ang tatay nilang si Vicente. At nang maka-graduate naman ng elementarya, nagpabuntis naman agad si Alexa.
Dahil hikahos na ang pamilya, isinanla naman nina Amy at Vicente ang bahay nila. Bugbog-sarado sa problema at drama ang pinapasang pamilya ni Geni. Isang araw, sa mga bulungan at tsismisan sa kanilang lugar, nalaman ni Geni na puwede s’yang kumita sa pagbebenta ng kanyang internal organ. Ilegal man ang proseso at kahit napakadelikado, ibinenta ni Geni ang kanyang kidney.
Sa laki ng nakuhang pera, nakatulong pa s’ya sa ibang pamilya – ang pamilya ni Buboy at Shirley. Dahil nakikita n’yang hirap ang mga ito sa buhay, nag-volunteer pa s’ya na alagaan ang baby ng mga itong si Brian. Pumayag naman ang mag-asawa at nag-feel-at-home pa sa bahay n’ya. Isang araw, bigla na lang nawala si Brian kasama ang natitira n’yang pera. Natagpuan n’ya si Brian kina Buboy at dahil wala namang matibay na ebidensya, pinalagpas na lang ni Geni ang pagkawala ng pera at hiniling na ipaubaya na lang sa kanya ang pag-aalaga kay Brian.
Itinuring ni Geni na parang tunay na anak si Brian. Pinalaki n’ya itong bugbog sa pagmamahal. Pero ito ang naging ugat ng sama ng loob ng kanyang pamilya. Dagsa pa rin ang problema sa pamilya ni Geni at bagkus daw unahin ang mga ito, inuuna pa n’ya ang hindi kadugo.
Gaano nga ba kahaba ang pisi ng pasensya ng isang taong nagsasakripisyo para sa pamilya? Isasakripisyo ba ni Geni ang saya ng pagiging magulang kay Brian at tutugunan ang pangangailangan ng totoong pamilya? O uunahin na n’ya ang sariling kaligayahan?
Tiyak na iyak-tawa talaga ang dala ni Mr. Roderick Paulate ngayong Sabado sa isang kuwentong magtuturo sa atin ng tunay na pagpapahalaga at pagmamahal sa sarili. Makakasama din n’ya sa episode sina Ms. Ces Quesada, Mel Martinez, Archie Adamos, Renz Fernandez, Shermaine Santiago, Jim Pebangco, Eunice Lagusad, Bryan Olano, Hannah Precillas, Aaron Yanga, Princess Guevarra, at Sean Ross. Ang “Gay Organ Donor: The Genesis Laviana Story” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Joel Lamangan, DGPI, mula sa panulat ni Michiko Yamamoto at pananaliksik ni Loi Nova.
‘Wag palampasin ngayong Sabado ang kakaibang kuwento ng walang-hanggang pagsasakripisyo para sa pamilya sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Post a Comment