However, in her hurry to reach the studio, she fell down the stairs!
Her fall was not seen on-cam but when Maine passed by the same staircase and she pointed out the exact spot where she fell earlier.
“Dito ako nadulas, o. Nakita niyo ba ang dulas ko kanina?
“Dahil nadulas po ako, tapos na po ang show na ito.”
Alden continued with his spiel and said, “Congratulations Menggay. Tuloy-tuloy lang ang love dahil bubuhos pa ang pagmamahal natin kay Dabarkads Maine.” After her production number, Maine had the chance to address her fans through a Facebook live video on the page of Eat Bulaga. She recalled her fall and said, 'Tapos na! Grabe yung kaba ko kanina pero nairaos naman.
'Hindi nga ako nalaglag sa mga stunts pero nadulas naman ako sa hagdan. 'Pero hindi niyo nakita kaya okay lang 'yan. 'Maraming salamat sa mga bumabati sa akin ng happy anniversary. '
Later on, Maine shared her thoughts about the need to celebrate her first anniversary on Eat Bulaga. In her Instagram account, the 21-year-old actress said she realized the importance of what she is doing: to give entertainment.
Here is the caption she provided for her photo posing in front of the Eat Bulaga logo:
'Isang araw lamang ang naibigay sakin para aralin lahat ng ginawa ko kanina. (Dahil sa kakulangan ng oras) Mababaliw na ata ako kahapon kakaisip ng mga gagawin ko hanggang sa susunod na linggo.
'Naloka ako; parang naisip ko 'Kaya ko pa ba?', sabi ko pa 'Bakit kailangan pang icelebrate yung anniversary ko? Di ba pwedeng simpleng bati nalang?' hanggang sa ipinaliwanag nila sa akin kung bakit kailangang ipagdiwang itong araw na to.
'Naintindihan ko. Itong araw na to ay hindi lang para sakin; kundi para din sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa akin. Sa mga sumubaybay sa akin mula simula hanggang ngayon; sa mga patuloy na naniniwala–para sa mga hindi nawala. Itong araw na ito at ang lahat ng ginawa ko kanina ay para ho sa inyo.
'Isang taon na ang lumipas at nasaksihan niyo ang lahat ng pagbabago sa buhay ko–maliit man o malaki–kayo ay nakatutok. Gusto kong magpasalamat sa lahat; sa mga sumusuporta, naniniwala, nagtitiwala at patuloy na nagmamahal. Ngayon alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko; kung bakit nga ba ako inilagay ng Diyos dito sa kinatatayuan ko. Hindi lang pala ito basta-basta katuparan lamang ng pangarap ko.. siguro kaya din ako nandirito ay dahil alam Niya na sa mga simpleng bagay na ginagawa ko ay mayroon akong mapapaligayang mga tao.'
Post a Comment