Muling pumirma ng kontrata sa GMA Network nitong Biyernes, July 29, ang WBR Entertainment sa pangunguna ng batikang TV personality at "Wowowin" host na si Willie Revillame.
Bukod kay Willie, dumalo sa contract signing sina GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto Duavit, Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, at ang mga legal counsel ni Kuya Wil na sina Atty. Alfonso Reyno, Jr., Atty. Ferdinand Domindo at Atty. Alfonso Victorio Reyno III.
Nandoon din ang kanyang co-hosts na sina Ariella Arida, Yvette Corral, Kimchi at Donita Nose.
Patuloy na magbibigay ng saya at mga papremyo si Kuya Wil sa mga Kapuso sa loob at labas ng bansa.
Aniya, nais niyang ibahagi sa mga tao ang natatanggap niyang suporta at pagmamahal mula sa GMA simula nang maging ganap siyang Kapuso noong nakaraang taon.
"Gaganahan kang magtrabaho dito. Very supportive ang bawat isa--the management, the people behind entertainment and news. Wala kang mararamdaman dito na mayroong intriga, na may ayaw sa'yo," ayon sa batikang TV host.
Dagdag pa niya, "Ang pakiramdam ko rito, at home talaga. Pagpasok sa studio, ganado, walang nararamdamang negative. Ibang klaseng istasyon ito, everyone is very supportive."
Itinuturing na raw niyang ikalawang tahanan ang GMA Network, kung saan ipinalalabas tuwing hapon ang kaniyang game show na "Wowowin," bago mag-"24 Oras"
"Lahat ng nakakasalamuha ko rito, pakiramdam ko ay minamahal kami. Itong pagmamahal na nararamdaman ko, ishe-share namin sa bawat Pilipino saanmang sulok ng mundo," pahayag pa niya.
Bukod sa mga bagong segment, inihahanda na rin ng GMA at ng WBR Entertainment ang mga nalalapit na international shows ni Willie.
"Kapag pinagkakatiwalaan ka ng isang kompanya, you'll give your best that you can. More than 110%. Buong araw ka nag-iisip kung ano pa ba ang puwedeng pagandahin," pagtatapos ng Kapuso host. -- FRJ, GMA News

WBR Entertainment renews contract with GMA Network. Expect new segments, international shows for "Wowowin" @gmanews pic.twitter.com/RhcsVNyQ80— Bianca Rose Dabu (@biancadabu) Hulyo 29, 2016

Post a Comment