Bettina Carlos sa intrigang live-in na sila ni Raymart Santiago: 'Grabe ang allegation'

Walang sawa si Bettina Carlos sa pagpapaliwanag tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Raymart Santiago.

Ilang buwan na rin niyang patuloy itinatanggi ang mga bali-balitang sila na raw, o 'di kaya'y nagkakamabutihan na sila nito.

Kailan lang ay nabalita naman na diumano’y nagli-live-in na raw silang dalawa.

May ilang netizens na nag-conclude agad dahil daw sa parehong background ng mga litratong nai-post nila sa kani-kanilang Instagram accounts.

Mabilis namang paliwanag ni Bettina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I have two houses.

“Dala-dalawa ang bahay ko, hindi ko na kailangan ng isa pang bahay. I have my own house.

"I don’t know where the rumors begin.

"Kahapon lang, ang tsismis, may something.

“Ngayon, live-in na, grabe ang allegation!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bettina sa presscon at launching niya, kasama ang anak na si Gummy, bilang endorsers ng Indomie Instant Noodles, noong Huwebes, September 4, sa Annabel’s restaurant sa Quezon City.

LIVING-IN ALLEGATIONS. Yung bahay na sinasabing parehong background sa picture nila, condo raw yun ni Raymart kunsaan inimbitahan silang mga taga-Villa Quintana.

Kuwento ni Bettina, “Actually, yung kinukuhanan ko, yung anak ko.

"He [Raymart] doesn’t want to expose where he lives. I don’t know for what reason.

"Siyempre kami, bilang bisita, nakakahiya naman kung picture kami nang picture sa bahay kung yung tao nga mismo, hindi naman nagpi-picture nang ganun.

“E, ako naman, wala naman akong intention. Yung pini-piktyuran ko yung anak ko na may hawak na pet.

"'Tapos, live-in na. I don’t know nga how to put into words how to react.”

GOOD FRIENDS. Napag-uusapan ba nila ni Raymart ang mga isyu sa kanila?

“Hindi. Ano ang pag-uusapan namin?” natatawang sabi niya.

Masasabi niyang malapit nga sila sa isa’t isa?

“We are friends. As to the degree of closeness, hindi ko alam how close is close. Pero we are good friends,” paglilinaw niya.

Hindi naman daw naapektuhan si Bettina kahit nga hindi namamatay ang isyu sa kanilang dalawa ni Raymart.

Kahit paano, sanay na raw siya sa mga intriga at isyu sa showbiz.

“Alam naman namin na wala naman talaga.

"Hindi na rin ako bago rito. Ilang taon na ba 'ko... ten, eleven years na 'ko sa industry na 'to.

“May mga times talaga na nabibigyan ng kulay ang ginagawa mo. Yung mga ginagawa niyo, sinasabi niyo.

“Yung mga ganun, we just laugh it off, there’s really no truth to that.

"Although ngayon, parang medyo nakakaano na siya na parang, 'No, no,' puro ganun kami.

“Kaso, natatanong pa rin. Siyempre, hindi ka naman puwedeng magsungit.

“Baka kapag nagsungit ka, sabihin totoo ‘to, ganyan.

"So we just politely say na, 'Wala po, wala po.'"

May nabago ba sa relasyon nila ni Raymart simula nang matsismis sila?

“Hindi, ganun pa rin. Friends lang naman talaga kami,” giit ni Bettina.

NOT COOKING FOR RAYMART. Mas natatawa si Bettina sa isyung pinagluluto raw niya si Raymart.

“Wow, kung magaling akong magluto, salamat.

"Pero nagbi-bake ako. Hindi ko rin siya pinagbi-bake.

“Pero mahilig kasi akong nagdadala sa taping.

"Kapag non-taping days, nagbi-bake ako. The next day, palagi akong may dalang sobra.

"I share it with everyone. Hindi lang sa kanya.

“At saka siya, dahil matanda na raw siya, ingat na raw siya sa pagkain ng matatamis. So hindi rin siya ganun kahilig,” paliwanag ni Bettina.

Kung sakali at ligawan nga siya ni Raymart, posible bang magkagusto siya rito?

Saad ni Bettina, “Naku, ‘yang mga kung sakaling question na ‘yan ang mga tricky.

“Kasi ako naman po, kahit sinong lalaki ang itanong niyo sa akin, I would always say, I am not closing my doors to anyone dahil ang tadhana ko po, hindi ko hawak. Hawak ‘yan ng Diyos.

“So, it’s a matter of who will come along, sino ang maglalakas ng loob. Kanino titibok, ganun. --
Rose Garcia, PEP
Share this post :

Post a Comment

Chika Minute

Alden Richard at Maine Mendoza bibida sa bigating GMA Drama!
 
Article Source : PEP.ph | GMA Network | Kakulay Entertainment Blog
Copyright © 2011. KAPUSO SCOOP - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger