Aicelle Santos Shares her Journey from Music to Acting.

Nitong Sabado, bumisita ang anak-anakan ni Regine Velasquez na si Aicelle Santos sa Sarap Diva. Dito, ibinahagi ni Aicelle ang kanyang journey mula sa isang singing contest hanggang sa kanyang tuluyang pagpasok sa mundo ng pag-aartista.
Habang nagluluto si Regine ng crispy noodles with lechon kawali, ikinuwento ni Aicelle ang kanyang naging mga hakbang bago siya napasali sa Pinoy Pop Superstar.
“Two years kami [ng band na Dream Sequence] when I was 18 to 20. Tapos uso noon sila Paolo Santos, MYMP, sila ang mga ka back-to-back namin noon,” pahayag ni Aicelle.

Dagdag niya, “Nag-disband kami, 'yung isa nagpunta sa Australia, 'yung isa lumipat ng banda. So siyempre, nasanay ako na kumikita on my own tapos I send myself to school. 
Noong college ako niyan. Tapos naisip ko wala na akong kita, may pa-contest si Ate Regine, sali ako. Magkakapremyo ako ganyan.”
Naging kalaban ni Aicelle noon sina Harry Santos at Gerald Santos.
“Ate [Regine] nung inaannounce [announce] mo ‘yun, naalala ko na ‘ang nanalo Santos!’ Sabi ko shucks, baka ako 'yun. Eh parehas kaming Santos. Masaya 'yung experience,” masayang pahayag ni Aicelle.
Sa ngayon, umaarte na rin si Aicelle at nakapag-perform na rin sa teatro sa Katy! The Musical at kasali rin siya sa Rak of Aegis.
Kuwento ni Aicelle, “Nag-audition ako noon, actually, buo na 'yung cast nila eh. Tapos kinailangan ni Ate Isay ng alternate e kasi medyo hawig kami ni Ate Isay e.”
“Tapos 'yun, instead of being an alternate, ginawa nila akong young Katy. Kasi nakita nung direktor na medyo hindi ko pa kaya 'yung older version ng Katy kasi baguhan lang ako. Tapos mula po noon, na-enjoy ko na 'yung teatro,” pagtatapos ni Aicelle.
Share this post :

Post a Comment

Chika Minute

Alden Richard at Maine Mendoza bibida sa bigating GMA Drama!
 
Article Source : PEP.ph | GMA Network | Kakulay Entertainment Blog
Copyright © 2011. KAPUSO SCOOP - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger