Julie Anne Wants to Write a Song for the Royal Couple's Wedding.

Habang papalapit ang kasal ng tinaguriang Philippine’s Royal Couple Marian Rivera at Dingdong Dantes sa December 30, sunud-sunod na ang mga pinagkakaabalahan ng dalawa to make sure na smooth sailing ang darating nilang kasal. 
Kamakailan lang nakipag-meet ang Kapuso Primetime King at Queen kay Fr. Aris Sison, ang rector ng Immaculate Conception Cathedral sa Cubao. 

Kasama rin sila sa bagong music video ng Rivermaya na may pamagat na “Tayo lang dalawa.” Kitang-kita na nag-enjoy sila kaya maraming fans ang nagkomento na tila pre-nuptial video na ito ng magkasintahan. 

Para sa Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose, kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon na mag-suggest ng wedding song para sa Royal Couple, mas pipiliin daw ng Kapuso singer na sumulat ng original composition. 
Aniya, “Perfect wedding song, if siguro given the chance na ako 'yung kumanta siguro own composition or magko-compose ako, kasi like since mga idol ko naman sila 'di ba and sobrang hinahangaan ko sila ng sobra talaga.” 
Tinuturing din ni Julie Anne na inspiration sina Dingdong at Marian dahil sa outlook nila sa life at wagas nilang pagmamahalan sa isa’t-isa. 
“Sa lahat ng bagay actually, and I love the way, how they perceive life, 'tsaka ‘yung positive outlook nila. Parang they don’t care no matter what people say as long as masaya silang dalawa, nagmamahalan silang dalawa, parang siguro it would be nice if a composition, a new song [for their wedding] would do.”
Share this post :

Post a Comment

Chika Minute

Alden Richard at Maine Mendoza bibida sa bigating GMA Drama!
 
Article Source : PEP.ph | GMA Network | Kakulay Entertainment Blog
Copyright © 2011. KAPUSO SCOOP - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger