MUST-READ: Willie Revillame, maglulunsad ng mga bagong pakulo sa 'Wowowin'

Lalo pang itotodo ni Willie Revilame ang saya at papremyo sa Wowowin dahil malapit na niyang ilunsad ang dalawang pinakabagong segments ng kanyang programa.

Hindi raw humihinto sa pag-iisip ng bagong pakulo si Willie para sa mga tumatangkilik ng kanyang Kapuso variety game show. Aniya, ang Wowowin ay para sa mga nagnanais na makatanggap ng biyaya at saya.

“Kung ano ‘yung mas madaling manalo, kung ano'ng mas madaling pasayahin sila, ‘yun ang iniisip ko. It’s not about us, it’s not about WBR Productions, it’s not about Wowowin. It’s about the people eh, ‘yung tungkol sa kanila,” sambit niya.


Dahil dito ay nabuo ang mga dapat abangang bagong segment sa Wowowin.

Paliwanag ni Kuya Wil, “Ang tawag dito, ‘Tawag ng Pangangailangan.’ Kung may pangangailangan sila na maibibigay namin, tatawag lang ako. Kung nasaan ka mang sulok ng Pilipinas, OFW ka na may number ka sa amin, we will call you.

Meron kaming ibibigay sa’yo na hindi naman todong pangangailangan na maibibigay, something na makakatulong at makakapagbigay-saya.” “Meron din kaming bagong portion, 'Ms. Wow 2016.' Mga Wow girls, mga Wow beauties. So lahat ng ito inaayos namin,” dagdag din niya.

Patuloy man nilang tinatrabaho pa ang mga bagong handog sa Wowowin, sigurado na si Willie sa iisang bagay.

“Ang importante dito ang mga Pilipino ang bida sa programang ito. Hindi kami, hindi ako. Sila ang nabibigyan ng saya,” wika niya. 
Share this post :

Post a Comment

Chika Minute

Alden Richard at Maine Mendoza bibida sa bigating GMA Drama!
 
Article Source : PEP.ph | GMA Network | Kakulay Entertainment Blog
Copyright © 2011. KAPUSO SCOOP - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger