Maxine Medina, nag-react tungkol sa pagkumpara sa kanya kay reigning Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ngayong sa Pilipinas na gaganapin ang susunod ng Miss Universe pageant, nadagdagan ba ang pressure na haharapin ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina lalo na at susundan niya ang makasaysayang panalo ni reigning beauty queen Pia Wurtzbach?

Ayon sa kanyang panayam sa 24 Oras, nakakaramdam man ng pressure si Maxine ay inaasahan naman niya ang suporta ng mga kapwa Pilipino para sa back-to-back win ng ating bansa sa naturang pageant.


“I know that we can do it, and we can keep the crown,” sambit niya.

Hindi na rin daw niya pinagtutuunan ng pansin ang mga bashers na kadalasan ay kinukumpara siya kay Pia. Aniya, magkaibigan sila ng reigning Miss Universe at palagi raw siyang binibigyan ng advice nito.

Ginagawa rin daw niyang motivation ang mga nakukuhang komento para lalo pang pagbutihin at ihanda ang sarili.

“Pia is different, Maxine is different so I think we have different paths na pwedeng mailabas sa Philippines,” paliwanag niya.


Share this post :

Post a Comment

Chika Minute

Alden Richard at Maine Mendoza bibida sa bigating GMA Drama!
 
Article Source : PEP.ph | GMA Network | Kakulay Entertainment Blog
Copyright © 2011. KAPUSO SCOOP - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger